Tuesday, January 20, 2015

Introduction about Eraserheads (The Reunion Concert, The Final Set)

Musika, isang uri ng pagpapahayag ng damdamin na gumagamit ng melodiya o melodic tune (Reyes 2011). Ito ay  parang Buhay ng tao,  kinakailangan pang i-tune in mo nang maayos para maganda at kaaya-ayang pakinggan. Ang buhay ay ganoon din, kailangan mo rin itong ayusin para maganda ang simulain (Tingig 2011). Ang musika ay isang bagay na masasabing mahalaga sa buhay ng mga tao. Ito ay nagbibigay kasiyahan lalo na kung natutugma ito sa ating nararamdaman. May masayang musika para sa mga taong masaya, mayroon ding senti sa mga taong gustong mag-isa at nalulungkot, may relihiyosong kanta para sa mga taong relihiyoso, mayroon ding mga kanta na kuhang-kuha ang atensyon ng mga kabataan (Block 2005). Bawat isa sa atin ay mayroong iba’t ibang pagpapakahulugan sa musika subalit sa huli isa lamang ang nais ipahiwatig natin, na ang Musika ang isa sa napakahalagang bagay na ating maaasahan sa mga panahong tayo ay may mabigat na dinaramdam. Kung walang Musika, walang kulay ang buhay.
Ayon sa wikipedia.org ang Pinoy pop o Filipino pop (daglat: OPM Pop) ay tumutukoy sa kontemporaryong musikang popular sa Pilipinas. Mula noong dekada sitenta, ang Pinoy pop ay patuloy na lumalawak at nakikilala bilang isang sensasyon. Ito ay nagmula sa mas malawak na uri ng musika, ang Original Pilipino Music (OPM). Ang mga awiting kabilang sa Filipino pop ay ang mga kantang nauso mula pa noong 1960’s; tulad ng balad na isa sa mga uri ng musikang tunay na bumihag sa atensiyon ng mga Pilipino. Ilan sa mga tanyag na artistang sumikat sa pag-awit ng balad ay sina Pilita Corrales, Nora Aunor, Basil Valdez, Freddie Aguilar, at Rey Valera. Kasabay din nilang kinilala ang husay nina Ryan Cayabyab at José Mari Chan sa pag-awit at paggawa ng mga orihinal na Ingles at Tagalog na awiting tungkol sa pag-ibig. Sa parehong dekada rin unang nabuo ang ilan sa mga sikat na grupong pop tulad ng APO Hiking Society at Hotdog.
Sa unang bahagi ng 1980’s, ang Pilipinas ay kinilala bilang unang bansang nagkaroon ng unang hip-hop music scene sa buong Asya at Pasipiko. Kasabay nito ay ang pagsikat din ng magagaling at hinahangaang mga hip-hopper at rapper tulad nina Francis Magalona at Andrew E. na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Ginintuang Panahon ng Pinoy hip-hop sa unang bahagi ng dekada ‘90.
Sa pagbungad hanggang kalagitnaan ng dekada nobenta unang nasaksihan ang husay ng isa sa mga pinakakinagigiliwang grupong pop-rock, ang Eraserheads. Ang kanilang paglitaw ay pinaniniwalaang nagbigay ng kritikal na sitwasyon para sa sektor ng OPM. Nagbigay-daan din ang kanilang pagsikat sa paglabas ng iba pang impluwensiyal na banda; Yano, Siakol, Parokya ni Edgar, Rivermaya, Moonstar 88, at Hungry Young Poets. Ang istilo ng mga nabanggit ay nabuo mula sa impluwensiya ng iba’t ibang mga musikang pop at rock.




          Taong 1987 si Ely Buendia ay kabilang sa bandang Bluidie Tryste mula sa freshmen’s dorm, Kalayaan Residence Hall sa UP Diliman. Kabilang dito ay sina Raymund Dela Pena (aka "Luci") - vocals, guitars , Earl Pangilinan – keyboards, Drexis Tabiligan – drums at si Ely Buendia – bass. Kinakanta ng banda ang mga kanta ng mga foreign bands na The Cure, The Smiths, U2, The Police, The Dawn, Van Halen.
          Taong 1988 kasalukuyang nasa unang taon sina Marcus, Raymund at Buddy sa UP Diliman. Nagkasundo si Ely at Raymund(Luci) na bumuo ng panibagong banda kaya nagsagawa sila ng pag-aanunsyo sa pamamagitan ng pagpapadikit ng Audition ads sa Kalayaan Dorm. Nagbakasakali si Raymund(Marasigan) na sumali sa awdisyon at kinanta niya ang kantang “Hot Hot Hot”. Inimbitahan niya si Buddy at si Marcus naman ay pumunta lamang doon upang manood ngunit sa kasawiang palad ay hindi sinuwerte si Raymund(Marasigan). Bumuo ang tatlong magkakaibigan ng sariling banda at binansagang “Curfew“ at kumuha sila ng babaeng bokalista, Candy Pelayo. Kinanta nila ang ilan sa mga kantang ginawa ng mga bandang; The Primitives, The Housemartins, The Bolshoi, Gene Loves Jezebel, The Soup Dragons.
          Samantala, si Ely at Raymund (de la Pena) ay bumuong bagong banda  “Sunday school“  kung saan nagkaroon lamang sila ng iilang tugtugan at kung minsan ay nakikitugtog din si Raymund (Marasigan) sa kanilang banda. Hindi naglaon ay nilisan ni Raymund (de la Pena) ang banda at iniwan si Ely kaya napagdesisyunan ni Raymund na isali si Ely sa kanilang banda at sumang-ayon naman sina Marcus at bumuo sila ng panibagong banda at binansagang “Eraserheads“.
Nakuha nila ang pangalang ito mula sa isang pelikula ni Direktor David Lynch na nakasulat sa magazine at nagkataong binabasa nila. Dapat sana ay si Raymund Marasigan ang bass at si Buddy Zabala naman ang drummer ngunit napansin ng dalawa na hindi tugma ang naging kumbinasyon ng musika kaya nagpalit ang dalawa.
Para sa kanila ang pagkakaroon ng banda o ang pagkahilig sa musika ay isa sa mga nakakahiligan ng mga kabataang tulad nila noong mga panahong iyon. Kapag ikaw ay kabilang sa banda, sikat ka na sa partikular na lugar noon at mas napapansin ka pa ng mga kababaihan sa mga panahong iyon (Rivera 2009).
Kinankanta nila ang mga kantang ginawa ng The Cure, Sex Pistols, The Beatles sa tuwing nagkakaroon ng tugtugan sa loob ng unibersidad na sinasalihan nila at nagkakaroon ng kakaunting tagapaghanga. Napansin ng banda na hindi pwedeng habambuhay na lang silang kumanta ng mga kantang hindi sa kanila kaya nagsimula silang gumawa at bumuong sariling mga liriko at tugtog.
Isa sa mga orihinal na komposisyon nila ay ang kantang “Pare Ko”, isang pop song na kung saan ay naging patok nang dahil sa mensahe ng kanta kabilang na din ang mga di kaaya-ayang salita na kabilang sa kanta, agad ding kumalat ang kantang ito ng banda hindi lamang sa loob ng unibersidad kung hindi maging sa labas na rin ng paaralan.
Buwan ng Enero, nagrekord ng siyam na kanta ang banda sa garahe nila Raymund at tinawaga nila itong  “garage jam” at sinubukang iabot sa iba’t ibang recording company and radio stations upang mapakinggan at nakikibakang tanggapin ang  mga ito subalit hindi naging sapat ang mga kantang nagawa nila kaya halos tinanggihan sila ng mga kompanyang pinuntahan nila. Buwan ng Marso nang mapansin ni Sir Robin Rivera na isang propesor ng unibersidad at kasamahan ng Studio ng Unibersidad ang kanilang kanta at tinulungan silang maging opisyal ang mga kantang ito matapos mairekord sa studio. Hindi lamang sa kanta nabighani ang guro subalit pati na rin sa kanyang nakitang tiyaga, kagustuhan, pagsasapusong pagkanta at makatotohanang mensahe ng bawat liriko ng kanta at pagiging simple ngunit totoo at orihinal ng apat na kabataang iyon. Para sa kanya sa mga panahong iyon nasa ilalim ng kahirapan sa ekonomiya ang bansa nang dahil na rin sa mga politiko. Ngunit isang araw, nagbigay liwanag ang boses ng musikang hatid ng bandang Eraserheads at nagbigay buhay at enerhiya sa mga taong nawalan na nang gana sa buhay lalo na sa mundo ng musika (Rivera 2009).
          Sa pagkakaroon ng tatlong taong kasunduan ipinagpatuloy nila ang paggawa at pagbuo ng orihinal na kanta at bunga ng pagtiya-tiyaga ay natapos nila ang isang demo tape at pinangalanang “Pop U” na kung saan ay patama nila sa mga tao at mga kompanyang binalewala ang kanilang mga pakikibaka, lumipas ang ilang buwan nagpatuloy sa pagbuo ng panibagong musika ang banda at sa  taong 1993 ay nagkaroon sila ng opisyal na album at tinawag nila na    “Ultraelectromagneticpop!”.  Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagsimula na ang pagdami at pagkakakilanlan ng banda at may nabuo pang grupo ng mga tagapaghanga nila  at tinawag na “Eraserheadsmania”  na walang sawang sumuporta sa bawat tugtugan na nilalahukan ng banda. Di nagtagal ay sumunod ang pangalawa nilang album sa taong 1994 at pinangalanang “Circus” na kung saan ay inireplika nila sa kanilang buhay ang titulo ng album dahil ang “buhay daw ng bawat isa ay parang isang circus, patuloy at walang hanggan na pag-ikot.”
Di nagtagal ay sumunod ang pangatlo nilang album sa taong 1995 ang  “Cutterpillow”  na kung saan ay naging patok ito sa masa at nagkataon na naging isa sa hindi malilimutang kontribusyon ng banda sa mundo ng musikang pinoy, nakapaloob rito  ang kantang “Ang Huling El Bimbo” na humakot ng napakaraming parangal mula sa iba’t ibang programa. Sumunod na taon, 1996, ay ang pag-apat na album ng banda at pinangalanang “Fruitcake” na kung saan ay puro ingles ang mga nakapaloob na kanta .Nang pumatak ang taong 1997 ay nagsimula nang tumugtog ang banda international. Unang tumugtog ang banda sa BMG Records “Sentosa Pop Festival”  sa bansa ng Singapore. Sinundan ito ng pagtugtog nila sa bansa ng United States at makalipas ang apat na buwan ay napadpad sila sa bansang New York at naparangalan bilang  “1997 MTV Asia Viewer’s Choice Award” at  sila ang pinakaunang grupo ng bandang Pilipino na nakakuha ng di matatawarang parangal.
Sumunod na inilabas ang ikalimang album sa taong 1997 ang   “Sticker Happy”.  Ang pagiging patok ng album ay hindi na ipinagtataka pa ng nakararami sapagkat inaasahan na nilang magiging sikat at mangunguna na naman ang mga kantang nakapaloob ditto.
Sa taong 1998 sumunod ang pang-anim na album,   “Aloha Milkyway” at makalipas ang ilang buwan ay nagbunga ito ng pagkakakilanlan sa mundo ng musikang pinoy. Sa sumunod na taon ay sumunod din ang pampitong album na   “Natin 99”. Makalipas ang isang  taon na paghihintay ay inilabas na ang pang walong album na   “Carbon Stereoxide”. Naging paborito at hinahanap-hanap ng mga tao ang bawat kantang ibinahagi ng banda , at kung minsan ay naging Love song pa ng mga magkasintahan.
Nagkaroon din ng komersyal sa telebisyon ang banda, kabilang na dito ang; Burger Machine (1994) at kinanta nila ang kantang Tikman, San Miguel Beer(1996) at kinanta ang kantang Homeboys, Pepsi Megadrive Raffle Promo (1996) at kinanta ila ang kantang Overdrive, Jack n’ Jill Chippy(1996)  at kinanta ang kantang Ligaya at Bogchi Hukbo, Talk N’ Text-Anniversary (1997) at kinanta ang kantang Toyang Anniversarya, Sun Cellular (2005)  at kinanta ang kantang Tinadahan Ni Aleng Nena, McDonalds(2009)  at kinanta ang kantang Ang Huling El Bimbo, Smart Communications MySandbox(2009) at kinanta ang kantang Alapaap.
Taong 2002 sa kalagitnaan ng buwan ng Marso nang nabigla ang lahat nang malaman ang hindi inaasahang balita. Nagbitiw ang bokalistang si Ely Buendia sa hindi malaman-laman na rason. Patuloy na lumaban ang naiwan na tatlong miyembro na sina Raimund, Buddy at Marcus at kumuha sila ng bagong bokalistang babae na si Kris Gorra-Dancel na naging bokalista din ng bandang Fatal Posporos ngunit matapos lang ang ilang linggo ay napagdesisyunan ng grupo na magkanya-kanya.
Taong 2003 buwan ng Nobyembre sa 2003 NU Rock Awards ay naparangalan ang banda bilang  “HALL OF FAME”  subalit tanging si Ely lamang ang umakyat sa entablado at kumuha ng parangal. Doon ay iniwan niya ang mga katagang,
"ahhmm ok to ok!
sana andito yung tatlo..salamat kay raymund..kay buddy..chaka kay marcus..
salamat sa nu107 for this award, it's a great honor...
tsaka salamat din sa club dredd, to patrick and robbie..
salamat sa bmg records our home for 10 yrs..
salamat sa tracks studio..salamat sa..sino pa ba?
salamat sa fans lalong lalo na sa fans para sa inyo to..fans ng eheads
at salamat din kay eon and diane..salamat sa ventura family
sa conde's wine and liquor..salamat sa alkohol
salamat din sa buendia family..this is for my family also
salamat sa inyong lahat
mabuhay ang pinoy rock!
mabuhay ang eheads!"
-Ely Buendia

Pagkatapos ng pasasalamat ay tinugtong ng bandang The Mongols ang kantang “Bulakbol” na bagong banda ni Ely sa panahong iyon.
Matapos ang mahigit labintatlong taon ng pamamayagpag, nagkaroon din ng hangganan sa huli. Dumating si Ely at lumisan, pumalit naman si Kris. Lumipat si Buddy sa Twisted Halo at The Dawn at nanatili si Raimund sa bandang Sandwich,  bumuo si Marcus ng kanyang bagong banda na Marcus Higway. Bumuo si Ely ng panibagong banda na The Mongols at kalaunan ay naging Pupil. Lumipas ang panahon at bumuo ng panibagong banda si Raimund at Buddy na mula sa Eheads ay naging Cambio.
Ang pangyayaring di inaasahan ay hindi naging dahilan ng upang tumigil ang bawat tagahanga ng banda sa pag-idolo at patuloy na  buhayin ang musikang  pinoy na binigyang buhay ng nasirang banda.
Hindi natapos ang agam-agam ng buong Pilipinas sa kung ano ang totoong dahilan ng pagbitiw ni Ely sa banda pero hindi ito naging hadlang upang tumigil sa pakikinig at paghanga ang bawat pinoy sa kanilang musikang binuhay at nilagyan ng kulay. Mas dumami at tumaas ang bilang ng kanilang tagapaghanga at mas tumindi ang kanilang tiwala na mabubuong muli ang nasirang banda, pero hindi sa lahat ng panahon ay mabubuo muli ang minsan nang nasirang relasyon at samahan. Naging mahirap man para sa magkakaibigan ang nangyaring paghihiwalay hindi ito naging dahilan upang tumigil sila sa pagtugtog, pagkanta at pagbibigay buhay sa mundo ng musikang pinoy.
Maaaring magkakasama silang muli subalit ang pagsasama-samang iyon ay hindi na kagaya ng samahang nabuo mula nang sila’y isilang sa mundo sa mundo ng musika. Nabuwag man ang samahan, ang ERASERHEADS naman ay habangbuhay na mananatili sa mundo ng Musikang Pinoy.

“THE REUNION CONCERT"

Taong 2008 sa buwan ng Agosto ika-28 ay naganap ang hindi malilimutang pagsasama-sama ng napakaraming musikerong pinoy.
Nag-anunsyo ang apat na miyembro ng bandang Eraserheads sa pamamagitan ng Social network na magkakaroon ng muling pagsasama-sama sa isang gaganaping konsyerto. Nagulat ang lahat ng malaman ang pag-aanunsyong ito at naging sentro ng talakayan ng mga netizens. Maging ang medya ay naging talakayan rin ito kung ito ba ay makatotohanan o isa na naman sa mga di makatotohanang tsismis sa tabi-tabi.
          Nang kinumpirma ng apat na tuloy na tuloy na ang nasabing konsyerto ay nabulabog ang lahat ng mga tagapaghanga ng nasirang banda, agadang nagkaubusan ng mga tiket para sa konsyerto at di maikakailang sabik ang bawat ito sa itinakdang araw ng konsyerto.
          Ginanap ang konsyerto sa Cultural Center of the Philippines o mas kilala na the Fort Bonifacio open field.
          Pagkatapos ng introduksyon, tuloy-tuloy ang pagtugtog ng banda sa labinlimang orihinal nilang kanta para sa unang set nila. Makalipas ang ilang minuto ay inanunsyo ng kapatid ni Ely na hindi na makakakanta sa gabing iyon ang kanyang kapatid dahil sa hindi inaasahang pangyayari na naganap backstage. Nagulat ang lahat at nadismaya sa nasabing pag-aanunsyo. Nabalitaang biglang nawalan ng malay an bokalista sa likod ng entablado kaya agad-agad itong dinala sa Makati Medical Hospital. Inatake umano sa puso ang bokalista sa pangatlong pagkakataon simula sa huling atake nito noong taong ng 2007. Simula sa konsyertong iyon hindi na inaasahan pa ng apat na magkakaibigan kung magkakaroon pa ba ng panibagong Reunion Concert. Ayon kay Ely gusto niya sanang tapusin ang konsyertong iyon alang-alang sa halos animnapung-libong tagapaghanga na dumalo sa konsyerto subalit hindi na kinaya ng kanyang puso. Sinabi ng bokalista na siya mismo ay “nabitin” sa konsyertong naganap.
          Ang konsyertong iyon ay naging isa na naman sa kasaysayan ng Pilipinas sapagkat lumikom ito ng halos milyon-milyung benta. Hindi lamang sa usaping pera ngunit pati na rin sa usapin sa kasaysayan ng Musikang Pinoy.
THE FINAL SET”


Ayon sa PEP (Philippine Entertainment Portal), ika-7 ng Marso taong 2009 ay ang petsa na ipinangako ng apat na miyembro ng bandang Eraserheads na ipagpapatuloy nila ang naudlot ng konsyerto noong taoong 2008. Pinamagatan nila itong “The Fianl Set” na kung saan ibig sabihin ay ang ito ang huling pagtugtog nila sa entablado nang magkakasama.
          Sa siyudad ng Pasay, SM Mall of Asia Concert Grounds ay ginanap ang pagpapatuloy ng kanilang naudlot na konsyerto.
          Sa muling pagkakasamang tumugtog sa entablado, binuhay muli nila Ely, Marcus, Buddy at Raimund ang buong bansa lalong-lalo na ang mundo ng Musikang Pinoy at binalikan at binigyang sigla ang Orihinal na Musikang Pinoy noong dekada nobenta.
          Napuno nang humigit-kumulang isangdaang-libong tagapaghanga ng banda ang lugar ng konsyerto at mararamdaman sa paligid na puno ng saya at sigla ang pumapalibot sa loob ng SM Mall Concert Ground. Sa pangalawang pagkakataon ay binulabog ng banda ang mundo ng Musikang Pinoy.
          Sinimulan ng banda ang konsyerto ng kanilang kantang “Magasin” at kitang-kita ang sabik ng bawat tao lalong-lalo na sa sigaw at tili ng mga ito.
          Sinundan nila ito ng kantang “Walang Nagbago”, “Maling Akala”, “Poorman’s Grave”, “Waiting for the bus” at “Maskara” mula sa kanilang “Carbon Stereoxide” na album noong taong 2001.
          Hindi mapigilan ang pag-init sa paligid ng buong madla lalong-lalo na nang kumanta ang gitaristang si Marcus na siyang pinakatahimik sa apat sa kanyang reggae version ng kantang “Huwag Mo Nang Itanong”. Ang drummer naming si Raimund ay sandaling binitiwan ang hawak-hawak na stick at binitbit ang mikropono upang kantahin ang kantang “Alkohol”, “Insomnia” at “Slo Mo”. Di nagtagal ay kumanta din ang gitaristang si Marcus kasama si Raimund upang bigyan ng kaunting pahinga si Ely sa pagkanta.
          Hindi pwedeng kalimutan ang kantang “Pare ko” kaya nang simulang istrum ni Ely ang kanyang gitara, biglang napahiyaw ang madla dahil sa pamilyar na tugtog ng gitara. At hinding hindi makukumpleto ang konsyerto kung hindi maririnig ang kantang “Huling El Bimbo”. Nang simulang tumugtig si Ely gamit ang piyano, napuna ng madla na ang piyanong ginamit ni Ely ay mismong piyano na ginamit sa kanilang Sticker Happy album cover noong 1997.
          Nang inanunsyo ng drummer na si Raimund ang isang “group hug” mula sa apat na miyembro nagsigawan ang lahat at napasigaw. Habang ang kumakanta ay sinasabayan ng madla ang banda at sumisigaw ng “group hug”. Nawala ang mapapait na nakaraan na nangyari sa banda kahit puntong iyon, ramdam na ramdam ng lahat na masayang-masaya ang apat sa nangyaring konsyerto at bumalik lahat ng kanilang nakaraan noong mga panahong solid pa ang bandang Eraserheads.
          Bago nilisan ng banda ang entablado kasama si Jazz Nicholas na mula sa bandang Itchyworms ay sama-sama silang nagbigay galang sa madla at sumigaw ng “WE ARE THE ERASERHEADS !

No comments:

Post a Comment