Musika, isang
uri ng pagpapahayag ng damdamin na gumagamit ng melodiya o melodic tune (Reyes
2011). Ito ay parang Buhay ng tao, kinakailangan pang i-tune in mo nang maayos
para maganda at kaaya-ayang pakinggan. Ang buhay ay ganoon din, kailangan mo
rin itong ayusin para maganda ang simulain (Tingig 2011). Ang musika ay isang
bagay na masasabing mahalaga sa buhay ng mga tao. Ito ay nagbibigay kasiyahan
lalo na kung natutugma ito sa ating nararamdaman. May masayang musika para sa
mga taong masaya, mayroon ding senti sa mga taong gustong mag-isa at
nalulungkot, may relihiyosong kanta para sa mga taong relihiyoso, mayroon ding
mga kanta na kuhang-kuha ang atensyon ng mga kabataan (Block 2005). Bawat isa
sa atin ay mayroong iba’t ibang pagpapakahulugan sa musika subalit sa huli isa
lamang ang nais ipahiwatig natin, na ang Musika ang isa sa napakahalagang bagay
na ating maaasahan sa mga panahong tayo ay may mabigat na dinaramdam. Kung
walang Musika, walang kulay ang buhay.
Ayon sa
wikipedia.org ang Pinoy pop o Filipino pop (daglat: OPM Pop) ay tumutukoy sa
kontemporaryong musikang popular sa Pilipinas. Mula noong dekada sitenta, ang
Pinoy pop ay patuloy na lumalawak at nakikilala bilang isang sensasyon. Ito ay
nagmula sa mas malawak na uri ng musika, ang Original Pilipino Music (OPM). Ang
mga awiting kabilang sa Filipino pop ay ang mga kantang nauso mula pa noong
1960’s; tulad ng balad na isa sa mga uri ng musikang tunay na bumihag sa
atensiyon ng mga Pilipino. Ilan sa mga tanyag na artistang sumikat sa pag-awit ng
balad ay sina Pilita Corrales, Nora Aunor, Basil Valdez, Freddie Aguilar, at
Rey Valera. Kasabay din nilang kinilala ang husay nina Ryan Cayabyab at José
Mari Chan sa pag-awit at paggawa ng mga orihinal na Ingles at Tagalog na
awiting tungkol sa pag-ibig. Sa parehong dekada rin unang nabuo ang ilan sa mga
sikat na grupong pop tulad ng APO Hiking Society at Hotdog.
Sa unang bahagi
ng 1980’s, ang Pilipinas ay kinilala bilang unang bansang nagkaroon ng unang
hip-hop music scene sa buong Asya at Pasipiko. Kasabay nito ay ang pagsikat din
ng magagaling at hinahangaang mga hip-hopper at rapper tulad nina Francis
Magalona at Andrew E. na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Ginintuang Panahon ng
Pinoy hip-hop sa unang bahagi ng dekada ‘90.
Sa pagbungad hanggang
kalagitnaan ng dekada nobenta unang nasaksihan ang husay ng isa sa mga
pinakakinagigiliwang grupong pop-rock, ang Eraserheads. Ang kanilang paglitaw
ay pinaniniwalaang nagbigay ng kritikal na sitwasyon para sa sektor ng OPM.
Nagbigay-daan din ang kanilang pagsikat sa paglabas ng iba pang impluwensiyal
na banda; Yano, Siakol, Parokya ni Edgar, Rivermaya, Moonstar 88, at Hungry
Young Poets. Ang istilo ng mga nabanggit ay nabuo mula sa impluwensiya ng iba’t
ibang mga musikang pop at rock.
Taong 1987 si
Ely Buendia ay kabilang sa bandang Bluidie Tryste mula sa
freshmen’s dorm, Kalayaan Residence Hall sa UP Diliman. Kabilang dito ay sina
Raymund Dela Pena (aka "Luci") - vocals, guitars , Earl Pangilinan –
keyboards, Drexis Tabiligan – drums at si Ely Buendia – bass. Kinakanta ng
banda ang mga kanta ng mga foreign bands na The Cure, The Smiths, U2, The
Police, The Dawn, Van Halen.
Taong
1988 kasalukuyang nasa unang taon sina Marcus, Raymund at Buddy sa UP Diliman.
Nagkasundo si Ely at Raymund(Luci) na bumuo ng panibagong banda kaya nagsagawa
sila ng pag-aanunsyo sa pamamagitan ng pagpapadikit ng Audition ads sa Kalayaan
Dorm. Nagbakasakali si Raymund(Marasigan) na sumali sa awdisyon at kinanta niya
ang kantang “Hot Hot Hot”. Inimbitahan niya si Buddy at si Marcus naman ay
pumunta lamang doon upang manood ngunit sa kasawiang palad ay hindi sinuwerte
si Raymund(Marasigan). Bumuo ang tatlong magkakaibigan ng sariling banda at
binansagang “Curfew“ at kumuha sila ng babaeng bokalista, Candy Pelayo. Kinanta
nila ang ilan sa mga kantang ginawa ng mga bandang; The Primitives, The
Housemartins, The Bolshoi, Gene Loves Jezebel, The Soup Dragons.
Samantala,
si Ely at Raymund (de la Pena) ay bumuong bagong banda “Sunday school“ kung saan nagkaroon lamang sila ng iilang
tugtugan at kung minsan ay nakikitugtog din si Raymund (Marasigan) sa kanilang
banda. Hindi naglaon ay nilisan ni Raymund (de la Pena) ang banda at iniwan si
Ely kaya napagdesisyunan ni Raymund na isali si Ely sa kanilang banda at
sumang-ayon naman sina Marcus at bumuo sila ng panibagong banda at binansagang
“Eraserheads“.
Nakuha nila ang
pangalang ito mula sa isang pelikula ni Direktor David Lynch na nakasulat sa
magazine at nagkataong binabasa nila. Dapat sana ay si Raymund Marasigan ang
bass at si Buddy Zabala naman ang drummer ngunit napansin ng dalawa na hindi
tugma ang naging kumbinasyon ng musika kaya nagpalit ang dalawa.
Para sa kanila
ang pagkakaroon ng banda o ang pagkahilig sa musika ay isa sa mga nakakahiligan
ng mga kabataang tulad nila noong mga panahong iyon. Kapag ikaw ay kabilang sa
banda, sikat ka na sa partikular na lugar noon at mas napapansin ka pa ng mga
kababaihan sa mga panahong iyon (Rivera 2009).
Kinankanta nila
ang mga kantang ginawa ng The Cure, Sex Pistols, The Beatles sa tuwing
nagkakaroon ng tugtugan sa loob ng unibersidad na sinasalihan nila at
nagkakaroon ng kakaunting tagapaghanga. Napansin ng banda na hindi pwedeng
habambuhay na lang silang kumanta ng mga kantang hindi sa kanila kaya nagsimula
silang gumawa at bumuong sariling mga liriko at tugtog.
Isa sa mga
orihinal na komposisyon nila ay ang kantang “Pare Ko”, isang pop song na kung
saan ay naging patok nang dahil sa mensahe ng kanta kabilang na din ang mga di
kaaya-ayang salita na kabilang sa kanta, agad ding kumalat ang kantang ito ng
banda hindi lamang sa loob ng unibersidad kung hindi maging sa labas na rin ng
paaralan.
Buwan ng Enero,
nagrekord ng siyam na kanta ang banda sa garahe nila Raymund at tinawaga nila
itong “garage jam” at sinubukang iabot
sa iba’t ibang recording company and radio stations upang mapakinggan at
nakikibakang tanggapin ang mga ito
subalit hindi naging sapat ang mga kantang nagawa nila kaya halos tinanggihan
sila ng mga kompanyang pinuntahan nila. Buwan ng Marso nang mapansin ni Sir
Robin Rivera na isang propesor ng unibersidad at kasamahan ng Studio ng
Unibersidad ang kanilang kanta at tinulungan silang maging opisyal ang mga
kantang ito matapos mairekord sa studio. Hindi lamang sa kanta nabighani ang
guro subalit pati na rin sa kanyang nakitang tiyaga, kagustuhan, pagsasapusong
pagkanta at makatotohanang mensahe ng bawat liriko ng kanta at pagiging simple ngunit
totoo at orihinal ng apat na kabataang iyon. Para sa kanya sa mga panahong iyon
nasa ilalim ng kahirapan sa ekonomiya ang bansa nang dahil na rin sa mga
politiko. Ngunit isang araw, nagbigay liwanag ang boses ng musikang hatid ng
bandang Eraserheads at nagbigay buhay at enerhiya sa mga taong nawalan na nang
gana sa buhay lalo na sa mundo ng musika (Rivera 2009).
Sa
pagkakaroon ng tatlong taong kasunduan ipinagpatuloy nila ang paggawa at pagbuo
ng orihinal na kanta at bunga ng pagtiya-tiyaga ay natapos nila ang isang demo
tape at pinangalanang “Pop U” na
kung saan ay patama nila sa mga tao at mga kompanyang binalewala ang kanilang
mga pakikibaka, lumipas ang ilang buwan nagpatuloy sa pagbuo ng panibagong
musika ang banda at sa taong 1993 ay
nagkaroon sila ng opisyal na album at tinawag nila na “Ultraelectromagneticpop!”. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagsimula
na ang pagdami at pagkakakilanlan ng banda at may nabuo pang grupo ng mga
tagapaghanga nila at tinawag na
“Eraserheadsmania” na walang sawang
sumuporta sa bawat tugtugan na nilalahukan ng banda. Di nagtagal ay sumunod ang
pangalawa nilang album sa taong 1994 at pinangalanang “Circus” na kung saan ay inireplika nila sa kanilang buhay ang
titulo ng album dahil ang “buhay daw ng bawat isa ay parang isang circus,
patuloy at walang hanggan na pag-ikot.”
Di nagtagal ay
sumunod ang pangatlo nilang album sa taong 1995 ang “Cutterpillow” na kung saan ay naging patok ito sa masa at
nagkataon na naging isa sa hindi malilimutang kontribusyon ng banda sa mundo ng
musikang pinoy, nakapaloob rito ang
kantang “Ang Huling El Bimbo” na
humakot ng napakaraming parangal mula sa iba’t ibang programa. Sumunod na taon,
1996, ay ang pag-apat na album ng banda at pinangalanang “Fruitcake” na kung saan ay puro ingles ang mga nakapaloob na kanta
.Nang pumatak ang taong 1997 ay nagsimula nang tumugtog ang banda
international. Unang tumugtog ang banda sa BMG Records “Sentosa Pop
Festival” sa bansa ng Singapore.
Sinundan ito ng pagtugtog nila sa bansa ng United States at makalipas ang apat
na buwan ay napadpad sila sa bansang New York at naparangalan bilang “1997 MTV Asia Viewer’s Choice Award” at sila ang pinakaunang grupo ng bandang Pilipino
na nakakuha ng di matatawarang parangal.
Sumunod na
inilabas ang ikalimang album sa taong 1997 ang
“Sticker Happy”. Ang pagiging patok ng album ay hindi na
ipinagtataka pa ng nakararami sapagkat inaasahan na nilang magiging sikat at
mangunguna na naman ang mga kantang nakapaloob ditto.
Sa taong 1998
sumunod ang pang-anim na album, “Aloha Milkyway” at makalipas ang ilang
buwan ay nagbunga ito ng pagkakakilanlan sa mundo ng musikang pinoy. Sa sumunod
na taon ay sumunod din ang pampitong album na
“Natin 99”. Makalipas ang
isang taon na paghihintay ay inilabas na
ang pang walong album na “Carbon Stereoxide”. Naging paborito at
hinahanap-hanap ng mga tao ang bawat kantang ibinahagi ng banda , at kung
minsan ay naging Love song pa ng mga magkasintahan.
Nagkaroon din ng
komersyal sa telebisyon ang banda, kabilang na dito ang; Burger Machine (1994) at kinanta nila ang kantang Tikman, San Miguel
Beer(1996) at kinanta ang kantang Homeboys, Pepsi Megadrive Raffle Promo (1996)
at kinanta ila ang kantang Overdrive, Jack n’ Jill Chippy(1996) at kinanta ang kantang Ligaya at Bogchi Hukbo,
Talk N’ Text-Anniversary (1997) at kinanta ang kantang Toyang Anniversarya, Sun
Cellular (2005) at kinanta ang kantang
Tinadahan Ni Aleng Nena, McDonalds(2009)
at kinanta ang kantang Ang Huling El Bimbo, Smart Communications
MySandbox(2009) at kinanta ang kantang Alapaap.
Taong 2002 sa
kalagitnaan ng buwan ng Marso nang nabigla ang lahat nang malaman ang hindi
inaasahang balita. Nagbitiw ang bokalistang si Ely Buendia sa hindi
malaman-laman na rason. Patuloy na lumaban ang naiwan na tatlong miyembro na
sina Raimund, Buddy at Marcus at kumuha sila ng bagong bokalistang babae na si
Kris Gorra-Dancel na naging
bokalista din ng bandang Fatal Posporos ngunit
matapos lang ang ilang linggo ay napagdesisyunan ng grupo na magkanya-kanya.
Taong 2003 buwan
ng Nobyembre sa 2003 NU Rock Awards ay naparangalan ang banda bilang “HALL OF FAME” subalit tanging si Ely lamang ang umakyat sa
entablado at kumuha ng parangal. Doon ay iniwan niya ang mga katagang,
"ahhmm ok to ok!
sana andito yung tatlo..salamat kay
raymund..kay buddy..chaka kay marcus..
salamat sa nu107 for this award, it's
a great honor...
tsaka salamat din sa club dredd, to
patrick and robbie..
salamat sa bmg records our home for 10
yrs..
salamat sa tracks studio..salamat
sa..sino pa ba?
salamat sa fans lalong lalo na sa fans
para sa inyo to..fans ng eheads
at salamat din kay eon and
diane..salamat sa ventura family
sa conde's wine and liquor..salamat sa
alkohol
salamat din sa buendia family..this is
for my family also
salamat sa inyong lahat
mabuhay ang pinoy rock!
mabuhay ang eheads!"
-Ely Buendia
Pagkatapos ng
pasasalamat ay tinugtong ng bandang The Mongols ang kantang “Bulakbol” na
bagong banda ni Ely sa panahong iyon.
Matapos ang mahigit
labintatlong taon ng pamamayagpag, nagkaroon din ng hangganan sa huli. Dumating
si Ely at lumisan, pumalit naman si Kris. Lumipat si Buddy sa Twisted Halo at
The Dawn at nanatili si Raimund sa bandang Sandwich, bumuo si Marcus ng kanyang bagong banda na
Marcus Higway. Bumuo si Ely ng panibagong banda na The Mongols at kalaunan ay
naging Pupil. Lumipas ang panahon at bumuo ng panibagong banda si Raimund at
Buddy na mula sa Eheads ay naging Cambio.
Ang pangyayaring
di inaasahan ay hindi naging dahilan ng upang tumigil ang bawat tagahanga ng
banda sa pag-idolo at patuloy na buhayin
ang musikang pinoy na binigyang buhay ng
nasirang banda.
Hindi natapos
ang agam-agam ng buong Pilipinas sa kung ano ang totoong dahilan ng pagbitiw ni
Ely sa banda pero hindi ito naging hadlang upang tumigil sa pakikinig at
paghanga ang bawat pinoy sa kanilang musikang binuhay at nilagyan ng kulay. Mas
dumami at tumaas ang bilang ng kanilang tagapaghanga at mas tumindi ang
kanilang tiwala na mabubuong muli ang nasirang banda, pero hindi sa lahat ng
panahon ay mabubuo muli ang minsan nang nasirang relasyon at samahan. Naging
mahirap man para sa magkakaibigan ang nangyaring paghihiwalay hindi ito naging
dahilan upang tumigil sila sa pagtugtog, pagkanta at pagbibigay buhay sa mundo
ng musikang pinoy.
Maaaring
magkakasama silang muli subalit ang pagsasama-samang iyon ay hindi na kagaya ng
samahang nabuo mula nang sila’y isilang sa mundo sa mundo ng musika. Nabuwag
man ang samahan, ang ERASERHEADS naman ay habangbuhay na mananatili sa mundo ng
Musikang Pinoy.
“THE
REUNION CONCERT"
Taong 2008 sa buwan
ng Agosto ika-28 ay naganap ang hindi malilimutang pagsasama-sama ng
napakaraming musikerong pinoy.
Nag-anunsyo ang
apat na miyembro ng bandang Eraserheads sa pamamagitan ng Social network na
magkakaroon ng muling pagsasama-sama sa isang gaganaping konsyerto. Nagulat ang
lahat ng malaman ang pag-aanunsyong ito at naging sentro ng talakayan ng mga
netizens. Maging ang medya ay naging talakayan rin ito kung ito ba ay
makatotohanan o isa na naman sa mga di makatotohanang tsismis sa tabi-tabi.
Nang
kinumpirma ng apat na tuloy na tuloy na ang nasabing konsyerto ay nabulabog ang
lahat ng mga tagapaghanga ng nasirang banda, agadang nagkaubusan ng mga tiket
para sa konsyerto at di maikakailang sabik ang bawat ito sa itinakdang araw ng
konsyerto.
Ginanap
ang konsyerto sa Cultural Center of the Philippines o mas kilala na the Fort
Bonifacio open field.
Pagkatapos
ng introduksyon, tuloy-tuloy ang pagtugtog ng banda sa labinlimang orihinal
nilang kanta para sa unang set nila. Makalipas ang ilang minuto ay inanunsyo ng
kapatid ni Ely na hindi na makakakanta sa gabing iyon ang kanyang kapatid dahil
sa hindi inaasahang pangyayari na naganap backstage. Nagulat ang lahat at
nadismaya sa nasabing pag-aanunsyo. Nabalitaang biglang nawalan ng malay an
bokalista sa likod ng entablado kaya agad-agad itong dinala sa Makati Medical
Hospital. Inatake umano sa puso ang bokalista sa pangatlong pagkakataon simula
sa huling atake nito noong taong ng 2007. Simula sa konsyertong iyon hindi na
inaasahan pa ng apat na magkakaibigan kung magkakaroon pa ba ng panibagong
Reunion Concert. Ayon kay Ely gusto niya sanang tapusin ang konsyertong iyon
alang-alang sa halos animnapung-libong tagapaghanga na dumalo sa konsyerto
subalit hindi na kinaya ng kanyang puso. Sinabi ng bokalista na siya mismo ay
“nabitin” sa konsyertong naganap.
Ang
konsyertong iyon ay naging isa na naman sa kasaysayan ng Pilipinas sapagkat
lumikom ito ng halos milyon-milyung benta. Hindi lamang sa usaping pera ngunit
pati na rin sa usapin sa kasaysayan ng Musikang Pinoy.
“THE FINAL SET”
Ayon sa PEP
(Philippine Entertainment Portal), ika-7 ng Marso taong 2009 ay ang petsa na
ipinangako ng apat na miyembro ng bandang Eraserheads na ipagpapatuloy nila ang
naudlot ng konsyerto noong taoong 2008. Pinamagatan nila itong “The Fianl Set”
na kung saan ibig sabihin ay ang ito ang huling pagtugtog nila sa entablado
nang magkakasama.
Sa
siyudad ng Pasay, SM Mall of Asia Concert Grounds ay ginanap ang pagpapatuloy
ng kanilang naudlot na konsyerto.
Sa
muling pagkakasamang tumugtog sa entablado, binuhay muli nila Ely, Marcus,
Buddy at Raimund ang buong bansa lalong-lalo na ang mundo ng Musikang Pinoy at
binalikan at binigyang sigla ang Orihinal na Musikang Pinoy noong dekada
nobenta.
Napuno
nang humigit-kumulang isangdaang-libong tagapaghanga ng banda ang lugar ng
konsyerto at mararamdaman sa paligid na puno ng saya at sigla ang pumapalibot
sa loob ng SM Mall Concert Ground. Sa pangalawang pagkakataon ay binulabog ng
banda ang mundo ng Musikang Pinoy.
Sinimulan
ng banda ang konsyerto ng kanilang kantang “Magasin” at kitang-kita ang sabik
ng bawat tao lalong-lalo na sa sigaw at tili ng mga ito.
Sinundan
nila ito ng kantang “Walang Nagbago”, “Maling Akala”, “Poorman’s Grave”,
“Waiting for the bus” at “Maskara” mula sa kanilang “Carbon Stereoxide” na
album noong taong 2001.
Hindi
mapigilan ang pag-init sa paligid ng buong madla lalong-lalo na nang kumanta
ang gitaristang si Marcus na siyang pinakatahimik sa apat sa kanyang reggae
version ng kantang “Huwag Mo Nang Itanong”. Ang drummer naming si Raimund ay
sandaling binitiwan ang hawak-hawak na stick at binitbit ang mikropono upang
kantahin ang kantang “Alkohol”, “Insomnia” at “Slo Mo”. Di nagtagal ay kumanta
din ang gitaristang si Marcus kasama si Raimund upang bigyan ng kaunting pahinga
si Ely sa pagkanta.
Hindi
pwedeng kalimutan ang kantang “Pare ko” kaya nang simulang istrum ni Ely ang
kanyang gitara, biglang napahiyaw ang madla dahil sa pamilyar na tugtog ng
gitara. At hinding hindi makukumpleto ang konsyerto kung hindi maririnig ang
kantang “Huling El Bimbo”. Nang simulang tumugtig si Ely gamit ang piyano,
napuna ng madla na ang piyanong ginamit ni Ely ay mismong piyano na ginamit sa
kanilang Sticker Happy album cover noong 1997.
Nang
inanunsyo ng drummer na si Raimund ang isang “group hug” mula sa apat na
miyembro nagsigawan ang lahat at napasigaw. Habang ang kumakanta ay sinasabayan
ng madla ang banda at sumisigaw ng “group hug”. Nawala ang mapapait na nakaraan
na nangyari sa banda kahit puntong iyon, ramdam na ramdam ng lahat na
masayang-masaya ang apat sa nangyaring konsyerto at bumalik lahat ng kanilang
nakaraan noong mga panahong solid pa ang bandang Eraserheads.
Bago
nilisan ng banda ang entablado kasama si Jazz Nicholas na mula sa bandang
Itchyworms ay sama-sama silang nagbigay galang sa madla at sumigaw ng “WE ARE
THE ERASERHEADS !